Ipinamalas ni Reyes, 1999 World Pool Champion, ang kanyang galing nang kunin nito ang huling limang racks upang igupo si Marcus Chamat ng Sweden, 9-4. Swabeng laro at mahusay na strategy naman ang ginamit ni Pagulayan upang muling talunin si World Pool runner-up Chang PeiWei ng Chinese Taipei, 9-1.
Di naman nagpahuli si Bustamante nang igupo nito sa Satoshi Kawabata, 9-5 habang nanalo rin ang isa pang Pinoy na si Lee Van Corteza kontra kay Thorsten Hohmann ng Germany, 9-8.
Nabigo naman si Warren Kiamco kay Mikka Immonen ng Finland, 5-9.
Nanalo rin sina The Cold Killer Chao Fong-Pang ng Chinese Taipei na sumilat kay World No. 1 Ralf Souqet ng Germany, 9-6, Yang Chin-Shun na nanaig kay The Sniper Kunihiko Taka-hashi ng Japan, 9-4 at Wu Chia-Ching kay Rodney Morris ng U.S., 9-3.
Kabilang sa mga panauhin sa opening ceremony ng event na ito na hatid ng ABS-CBN sa tulong ng Puyat Sports, ay sina Quezon City Mayor Feliciano Sonny Belmonte na nagsagawa ng ceremonial lag, Puyat Sports top honcho Aristeo Pochi Puyat at Senator Alfredo Lim.
May total cash prize na US$50,000 at ang champion ay mag-uuwi ng top prize na US$20,000 cash, sa runner-up ay US$10,000, tig-US$5,000 sa third at fourth at US$2,000 sa fifth hanggang eighth placers.
Maglalaban-laban uli ang 16 players sa second round elimination ngayon kung saan ang top four ay uusad sa crossover Race-to-11 semifinals at Race-to-13 finals bukas.