^

PSN Palaro

Alex Compton sa PBA?

GAME NA! - Bill Velasco -
Unti-unting nagkakaisa ang mga kaibigan ng dating MBA at Sunkist guard na si Alex Compton: gusto nilang maglaro siya sa PBA.

Nang nagsimula ang Metropolitan Basketball Association noong 1998, nag-isip ang mga namumuno nito ng palabok para maka-akit ng mga manonood. Dumapo ang kanilang pagkakaisa sa paglahok ng mga Fil-Am. Dalawa ang kanilang patakaran: kailangang may Pilipinong lolo o lola ang kinauukulan, at maaaring maglaro ang ipinanganak lamang sa Pilipinas. Sa huling kategorya bumagsak ang manlalaro ng Cornell University. Bagamat Amerikano si Compton, pinayagan siyang maglaro.

Noong sumunod na taon, binawi ng MBA ang patakarang iyon, at si Compton lamang ang nakalusot. Alam na rin nating lahat ang sumunod. Hinatid ni Compton ang Manila Metrostars at Batangas Blades sa mga titulo, at hinirang na Most Valuable Player.

Nang magsara ang MBA, ang ilan sa mga Fil-Am nito’y nakapasok sa PBA. Kasama rito sila Rafi Reavis at Rudy Hatfield. Sinubukan naman ni Cris Clay na maglaro bilang import ng Sta. Lucia Realty, subalit hindi nakayanan.

Dito nagkaproblema ang 5’11" na si Compton, na masyadong maliit para maging import. Naglaro na lamang siya sa PBL. Noong nakaraang taon, nag-apila si Compton sa mga miyembro ng PBA board na payagan siyang makapasok. Sa dami ng mga hinarap na problema’t iskandalo ng liga noong 2003, itinabi muna ang pakiusap ni Compton.

Dapat bang payagan si Compton na maglaro sa PBA? Kung susuriin, nasa kanya ang maraming katangian ng isang mabuting mamamayan. Minahal niya ang Pilipinas, at pinag-aralan ang ating kultura’t pananalita. Malinis ang kanyang pangalan, at maganda ang kanyang ugali.

Ang tanging hadlang ay ang kanyang pagiging American citizen, na ipinagbabawal sa mga alituntunin ng PBA. At kung payagan si Compton, ano ang mga magiging regulasyon para sa mga susunod sa kanyang mga yapak?

ALEX COMPTON

BAGAMAT AMERIKANO

BATANGAS BLADES

COMPTON

CORNELL UNIVERSITY

CRIS CLAY

FIL-AM

LUCIA REALTY

MANILA METROSTARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with