Go ninakawan ng panalo
August 27, 2004 | 12:00am
ATHENS Mahigpit na nakipaglaban ang baguhang si Tshomlee Go at dinomina ang panimulang laban para lamang malasap ang sorpresang 7-8 kabiguan sa beteranong kalabang Spanish na si Juan Ramos noong Huwebes ng tanghali sa pagbubukas ng 28th Olympic Games taekwondo competition sa Faliro Sports Hall dito.
Lumaban sa ilalim ng 58 kgs. division, ang 20 anyos na si Go ay abante sa 3-2 matapos ang first round at pinalaki pa sa 4-2 sa ikalawang round. Ngunit isang sipa ni Ramos, na tila humaging lamang sa uluhan ng Pinoy, ang ginawaran ng 2 points na nagtabla sa iskor.
At sa 5-all na pagtatabla patungo sa third round, umatake si Go at isang solidong 45 degree shot sa katawan ang ibinigay nito sa kalaban. Pero anong mangha nila ng hindi ito binigyan ng puntos na inireklamo ng RP coaching staff.
Imbes ay binigyan pa ng puntos si Ramos sa pakikipagpalitan ng sipa nito at makaungos sa 6-5. Dalawang beses pa uli silang nagtabla bago isang matinding body kick ang ipinatikim ng Spaniard sa Pinoy sa huling 20 segundo na nagbigay ng winning points.
Nag-iiyak sa sama ng loob si Go matapos ang laban, dahil pakiramdam niya ay ninakawan siya ng panalo na para sa kanya.
"It was clearly Gos fight," diin ni coach Jesus Morales III. "He domi-nated Ramos, but he, instead of his rival, was warned three times for not attacking. Hinawakan din ang paa niya sa third round, pero hindi binigyan ng warning si Ramos."
Ang tanging tsansa ngayon ni Go para manatili sa kontensiyon ay makakuha ng puwesto sa repechage at wag matalo si Ramos sa susunod na laban.
Dalawa pang Pinoy jins ang lalarga sa Sabado -- sina Donald Geisler at Mary Antoinette Rivero para bigyan tsansa ang kampanya ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest