Batang Taiwanese taob kay Lining
August 25, 2004 | 12:00am
Magandang buwenamano sa pagbubukas ng kampanya ng Filipino cue masters ang sinimulan ni Antonio Lining nang gapiin niya si Ching-Shun Yang, 9-7, kahapon sa pagbubukas ng hostilidad ng RP-Taiwan 9-Ball Challenge sa Octagon Hall sa Robinsons Galleria, Mandaluyong City.
Nakipagpalitan ng racks ang 41 anyos na si Lining sa batang Taiwanese patungo sa pagtatabla sa 6-all bago ikinamada ang 8-6 bentahe sa 13th frame.
Binigyan pa ni Lining ng pagkakataon ang Taiwanese na manakaw ang laban matapos mag-scratch sa 15th frame para maubos ang racks at makalapit si Yang sa 7-8.
Ngunit sa pagsargo sa susunod na frame si Yang naman ang na-scratch, kung saan isang 1-9 combination ang tinirada ni Lining patungo sa panalo.
"Mabuti na lamang walang pumasok sa break niya sa 16th rack," anang 2001 Asian Games gold medalist na si Lining.
Naging panauhin sa simpleng opening ceremony sina Presidential son at Pampanga representative Mikee Arroyo, Solar Entertainment Corp. President Wilson Tieng, Games and Amusement Board vice-chairman Jess Villanueva at Manila coun. Don Bagatsing sa tatlong araw na tornoeng hatid ng Motolite, PCSO, Elasto Seal, No Fear, Emperador Brandy, Air21, FedEx, Phil. Star, Fortune To-bacco at Tanduay at live na isasa-ere sa Solar Sports at RPN 9.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended