^

PSN Palaro

UAAP Men's Basketball: NU Bulldogs mabangis sa UST Tigers

-
Sa pagkakataong ito, naging higit na mas mabangis ang Bulldogs kaysa sa Tigers.

Dahil sa matinding determinasyon ng National University Bulldogs, nagawa nilang paamuhin ang University of Santo Tomas Tigers para itala ang malaking tagumpay matapos kontrolin ang tempo ng laban na nagresulta sa 82-63 panalo sa Cuneta Astrodome kahapon.

Dahil dito, nagkaroon na rin sa wakas ng marka ang win column ng Nationals matapos mabigo sa unang siyam na laro na nagbigay ng pag-asa sa Bulldogs sa Final Four ng kasalukuyang UAAP seniors basketball tournament.

Malaking tulong sa Nationals ang pagkawala ni Christian Luanzon na awtomatikong nasuspindi ng isang laro dahil sa dalawang unsportsman-like foul na ginawa nito sa kanilang nakaraang laban kontra sa Ateneo de Manila University.

"Malaking kawalan sa UST ‘yung di paglalaro ni Luanzon. Doon kami nag-focus, inatake namin ‘yung slot niya," wika ni assistant coach Bryan Tolentino na siyang unang humarap sa media sa press room para sa post game interview ng panalo ng Bulldogs na huling nagtagumpay kontra sa UST Tigers, dalawang taon na ang nakakaraan.

Kataka-takang ibinangko ni coach Rico Perez ang starting center na si Rey Mendoza na pinagmulan ng espekulasyong nakairingan niya ito ngunit itinanggi ito ng head coach na nakapanayam din ng media sa dugout.

Umabot sa 19-puntos ang pinakamalaking kalamangan ng Bulldogs nang umiskor si Fernandez ng anim sa kanyang tanging siyam na puntos sa ikaapat na quarter lamang, para pamunuan ang 13-3 salvo para ibandera ang 67-48 bentahe na naibaba lamang ng Uste sa 11-puntos, 62-73.

Tumapos si Dave Catamora ng personal high na 14-puntos upang pangunahan ang Bulldogs na nagpalasap sa Santo Tomas ng kanilang ikaanim na kabiguan matapos ang 10-laro.

Naiganti ng Nationals ang kabiguan ng Bullpups kontra sa Tiger Cubs sa unang laro, 52-65 sa juniors division.

Sa ikalawang seniors game, nalusutan ng Far Eastern University ang University of the East 64-62, para makalapit sa Final Four. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BRYAN TOLENTINO

CARMELA V

CHRISTIAN LUANZON

CUNETA ASTRODOME

DAHIL

DAVE CATAMORA

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

MALAKING

MANILA UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with