Ang 5-foot-5 na si Tanamor ay paborito ng Illustrated Magazine na makapag-uwi ng medalyang tanso sa lightflyweight division at inaasahang magsasalba sa kahihiyan ng 4-four man boxing squad na ipinadala rito.
Bagamat tinalo ni Hong si Tanamor sa third leg ng Olympic qualifying tournament sa Karachi Pakistan, naniniwala ang boxing staff sa pangunguna ng head coach na si George Caliwan na ma-kapagpapakita ng maganda ang Pinoy boxer dahil ang naging kabi-guan nito sa Korean ay dahil lamang sa isang kontrobersiyal na desisyon dahil idinaos ang nasabing qualifying round sa mismong bayang sinilangan ni Anwar Chowdry, ang president ng Inter-national Boxing Association kung saan ng mga panahong iyon, nag-karoon ng di pagkakaunawaan si Chowdry at ang mag-amang Mel at Manny Lopez.
Subalit dahil sa pagkakaupo ng batang Lopez sa boxing jury sa Athens, inaasahang magkakaroon ng linaw ang kampanya ng Pilipinas sa medal bout.
Medyo kinakitaan ng mabagal na panimula sa kanyang huling laban kontra kay Sherali Dostiev ng Tajikistan at sa huling round na lamang nakuha ni Tanamor ang tempo upang maitakas ang 17-12 panalo, siguradong kaiba ngayon ang ipapakitang performance ng tubong-Zamboanga upang seguruhin na maipadama ang kanyang paghihiganti kay Hong.
Sa kabila ng pagiging angat ni Tanamor, nag-uwi ng gold sa Southeast Asian Games sa Vietnam, silver medalist sa 2002 Busan Asian Games at bronze medal ngayong taon sa World Boxing Championships, bukod pa sa pagkakahirang sa kanya bilangBest Boxer ng 2003 Goa International Championship, hindi dapat maging kumpiyansa ang Pinoy dahil mayroon ding pinatunayan si Hong sa kanyang mga huling laban.
Tinalo ni Hong ang paborito ng Thailand na si Suban Pannon, ang de-fending champion sa Kings Cup sa Bangkok sa iskor na 25-12.
Kung sakaling manalo si Tanamor, haharapin naman niya ang mana-nalo sa pagitan nina Pannon at Yan Bartelemy Varela ng Cuba na pinili ng Sports illustrated na siyang makapag-uuwi ng silver medal kung saan ang Russia na si Sergie Kazakov ang siyang mag-susubi naman ng ginto.