Sinabi ni Banal na panauhin sa SCOOP sa Kamayan na ginanap sa Padre Faura, na mananatili pa rin sa kanilang poder sina Mark Telan, Yancy De Ocampo at Victor Pablo pagkatapos ng kanilang kontrata.
Tanging si Kahi Villa lamang ang hindi na pinapirma uli ng Phone Pals matapos itong mag-desisyong magbalik na lamang sa United States.
"I intend to keep them. We are having negotiations at yung dalawa okay na, isa na lang ang pag-uusapan pa, gusto ko kasi intact yung team sa All-Filipino," ani Banal ang mentor ng Talk N Text na nasabing ng All-Filipino noong nakaraang taon.
"There wont be any problem sa pagkawala ni Kahi, although we will surely miss him. Meron naman kaming players like Niño Gelig in the reserve list na pwedeng umakyat to fill his position," dagdag ni Banal.
Bilang paghahanda ng Talk N Text sa pagdedepensa ng titulo. Ipina-dala ng management sina Fil-Tongan Asi Taulava at Fil-Am Jimmy Alapag sa Florida, USA para sa two-week training.
Samantala, posibleng di pa makakasama ng San Miguel Beer ng ilang games sina Danny Seigle at Danny Ildefonso sa pagbubukas ng regular season ng PBA sa October 3.
Hindi pa lubos na magaling ang injury ng dalawa kapag nagsimula na ang All Filipino conference at itoy malaking problema para sa San Miguel.
Bagamat parehong naibotong starters sina Seigle at Ildefonso sa nakaraang All Star Games na ginanap sa Cebu ay parehong di nakasama ang dalawa dahil sa kanilang injuries.
Sa iba pang balita, ipinamigay naman ng San Miguel si Marlon Legaspi sa Shell kapalit ng first round pick na si Frederick Canlas. Pinapirma rin ng Turbo Chargers ng kontrata si Celino Cruz.