Meneses nagbalik kay Guiao
August 20, 2004 | 12:00am
Tuloy na tuloy na ang paglipat ni Vergel Meneses sa Barakos.
Itoy matapos maiselyo ang negosasyon sa pagitan ng kampo ng Red Bull at FedEx para makuha ng Barakos ang serbisyo ni Meneses kapalit ni Homer Se.
Bagamat parehong sa December 31 pa mapapaso ang kontrata ng tinaguriang Aerial Voyager at ni Se nagkasundo ang magkabilang panig na i-absorb ang kani-kanilang existing contracts.
Kasabay nito, naiselyo din ng dalawa ang panibagong kontrata sa kani-kanilang bagong teams.
Inaasahang tatanggap si Meneses ng maximum players salary cap na P350,000 sa kanyang isat kalahating taong kontrata sa Red Bull habang tinatayang P9-milyon hanggang P11M ang makukuha ni Se sa kanyang tatlot kalahating taong kontrata sa FedEx.
Ayon sa mapapagkatiwalaang source, posibleng mas mababa sa P350,000 ang makukuha ni Meneses mula sa Red Bull.
Ayon sa impormante, masikip na ang salary cap ng Red Bull posibleng hindi maibigay ng Barakos ang maximum salary kay Meneses.
Bukod kay Se, mapapaso din ang kontrata ni Davonn Harp sa Red Bull ngunit mananatili itong Barako matapos bigyan ng extension contract ng management.
Dahil dito, iiwanan na ni Meneses ang Express at magsusuot na ng uniporme ng Barako sa pagbubukas ng regular season sa October 3.
At ito rin ang reunion nina Meneses at Guiao na dating magkasama sa dating prangkisa ng RFM Group of Companies na Sunkist. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended