Paragua vs Rañola sa Genova chessfst title
August 18, 2004 | 12:00am
Kapwa dinaig nina Pinoy International Masters Mark Paragua at Yves Rañola ang kani-kanilang kalaban para iposte ang 6.5 puntos at makihati sa liderato sa overnight solo leader na si IM Nikita Maiorov ng Belarus matapos ang 8th round ng 8th Genova Individual International Open Chess championships sa Genova, Italy.
Ang 20 anyos na si Paragua na kumakampanya sa Europa para sa Grandmaster title ay nanaig kay FM Sergejs Gromovs ng Italy.
Pinayuko naman ni Rañola ang kababayang si NM-candidate Roland Salvador habang naghati naman sina Maiorov at GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia sa puntos.
Si Lazic ay may 6.0 puntos at nakatabla sa 4th hanggang 8th place kasama sina GM Erald Dervishi ng Albania, GM Stefan Djuric ng Yugoslavia, top seed GM Michele Godena at FM Flavio Guido ng Italy.
Dahil sa kabiguan, napako sina Salvador at Gromovs sa 5.5 points upang malaglag sa 9th hanggang 16th place katabla sina IMs Ronald Bancod, Joseph Sanchez at NMs Rolando Nolte, IM Ramon Mateo ng Dominican Republic, FMs Daniele Genocchio at Raffaele Di-Paolo ng Italy.
Samantala isa pang Pinoy si NM Rolly Martinez ang umakyat sa 17th hanggang 24th place sa naitalang 5 points.
Sa 9th at pinal na round, maglalaban sina Rañola at Paragua para sa titulo sa top board.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended