^

PSN Palaro

NCAA Basketball Tournament: Tsansa sa Final 4 pinatatag ng PCU

-
Lalo pang pinatibay ng Philippine Christian University ang kanilang tsansa para sa Final Four.

Ito ay matapos balikan ng Dolphins ang St. Benilde Blazers, 72-68 para sa kanilang three-game winning streak sa second round ng 80th NCAA men’s basketball kahapon sa Makati Coliseum.

"Mahirap talagang kalaban ‘yung team na nothing to lose na," wika ni coach Ato Tolentino sa St. Benilde na nagposte ng isang 15-point advantage sa halftime, 47-32. "Mabuti na lamang nakabawi kami sa huli."

Humakot ang 6-foot-7 na si Gabby Espinas ng 20 points at 22 boards para tulungan ang PCU sa pagtarak ng 6-4 slate katabla ang University of Perpetual Help Dalta System sa ikalawang silya, habang wala pang naipapanalo ang St. Benilde sa kabuuang 10 laban nito.

Isang 9-0 blitz, lima rito ay kay RJ Retaga sa huling 1:25 ng fourth quarter ang nag-akay sa Dolphins sa panalo matapos ang layup ni Carlo Manding para sa 68-63 lamang ng Blazers.

Samantala, kapwa nilatayan ng isang one-game suspensiyon ng NCAA Management Committee (ManCom) sina Eric Rodriguez ng nagdedepensang kampeong Letran Knights at Dean Apor ng Altas ukol sa kanilang upakan noong Biyernes.

Sinapak ni Apor si Rodriguez matapos siyang banggain sa kainitan ng bakbakan ng Letran at Perpetual.

Umiskor ang PCU ng kambal na panalo matapos na manaig ang kani-lang junior counterpart sa CSB Baby Blazers, 92-68.

Sa isa pang juniors game, pinayukod ng San Beda Red Cubs ang Jose Rizal University Light Bombers, 122-56.

ATO TOLENTINO

BABY BLAZERS

CARLO MANDING

DEAN APOR

ERIC RODRIGUEZ

FINAL FOUR

GABBY ESPINAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY LIGHT BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with