Dalawang beses nang tinatalo ng 25 anyos na si Payla ang kalabang Uzbek pero hindi ito sapat para magkumpiyansa sa laban nila uli sa ganap na alas-7:30 ng gabi.
Ayaw magbigay ng panayam ni Payla at itinuon ang atensiyon sa laban. Ngunit maraming puwedeng sabihin si dating Manila Mayor Mel Lopez, na siyang namamahala sa pagsasanay ng mga boksingero dahil masyadong abala ang kanyang anak na si boxing president Manny, bilang miyembro ng jury of appeals dito.
Naging maganda ang kampanya ng RP boxers nang manaig si Romeo Brin sa Swedish boxer na si Patrick Bogere, 43-35 at makakalaban ang Thai na si Manus Boonjumnong sa Agosto 19.
Dinaig ni Payla si Doniorov sa Busan Asian Games noong 2002 at inulit sa Asian Olympic qualifying sa Puerto Princesa para sa gold medal.
Magdedebut naman si lightflyweight Harry Tanamor kontra kay Sherali Dostiev ng Tajikistan sa Miyerkules.
Malaki ang tiwala ng mga Lopezes na malayo ang mararating ni Tanamor.
Mismong ang prestihiyosong Sports Ilustrated magazine ay nagsabing makakakuha ng bronze medal si Tanamor.