^

PSN Palaro

Swedish boxer pinabagsak ng Pinoy boxer sa 28th Olympic Games

-
ATHENS-- Binugbog ng beteranong si light-welterweight Romeo Brin ang mas matangkad na kalabang Swedish sa pagkonekta ng matitigas na kombinasyon sa ulo at katawan upang ibigay ang unang panalo sa Philippines sa 28th Olympic Games sa Persiteri Boxing Hall dito.

Pinabagsak ng 31 anyos na three-time Olympian na si Brin ang Swede na si Patrick Bogere sa pamamagitan ng left hook sa mukha sa ikaapat na round upang buksan ang 36-26 kalamangan tungo sa 43-35 tagumpay.

"Medyo nahirapan ako sa umpisa dahil hindi ko pa nakukuha ang timing ko," ani Brin, na pumalit sa kakamping si Chris Camat bilang flag-bearer noong opening ceremonies. "Pero sa third, wala ng problema."

Bagamat mas matanda sa kanyang kalabang Ugandan-born, nagpamalas ng kagitingan si Brin, na nagretiro na noong nakaraang taon ngunit nagbalik nang hindi sinasadya ng kaagahan nitong taon.

Nasiyahan naman ang dating Manila Mayor na si Mel Lopez na naroon upang tulungan ang kanyang anak na si Manny, pangulo ng ABAP, na akuin muna ang trabaho dahil sa abala ito bilang jury.

"Our boxers are physically and psychologically ready. They’re courageous ang they’ve worked hard to be able to give their best all the time," anang matandang Lopez. "Watch him in hist next fight against Manus Boonjumnong of Thailand. Dati na niyang tinalo ‘yan."

Si Brin, na coach ng Puerto Princesa boxing team, ay nagdesisyong magretiro noong nakaraang taon ngunit dahil sa kulang ng boksingero noon sa kanyang weight category sa regional qualifying sa Puerto Princesa, ito ay umakyat sa ring at nakausad sa Olympics.

Ang tagumpay ni Brin ay tumabon sa record performance ng Fil-Am swimmer na si Jacklyn Pangilinan.

vuukle comment

CHRIS CAMAT

JACKLYN PANGILINAN

MANILA MAYOR

MANUS BOONJUMNONG OF THAILAND

MEL LOPEZ

OLYMPIC GAMES

PATRICK BOGERE

PERSITERI BOXING HALL

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with