PALUSUTAN NA NAMAN BA?
August 15, 2004 | 12:00am
Eto na naman tayo, sasabak sa Olympics. Pero bakit para tayong bumili ng tiket sa sweepstakes at tila umaasang tatama ang kidlat?
Tuwing darating ang Olympiada, iisa ang tugtog na naririnig natin: dinaya tayo, minalas sa bunutan, malakas ang kalaban, babawi tayo sa susunod. Pero, kung titignan natin, puro palusot lamang ang mga iyan. Bakit ang mga malalakas na bansa, hindi nagpapalusot, at nagagawan ng paraang manalo?
Naging matindi ang paghahanda ng ating mga atleta, pero timbangin nating mabuti. Ano ba talaga ang pag-asa natin?
Sa athletics, malabong makapuwesto si Lerma Bulauitan. Una, di hamak na malalaki ang mga makakalaban niya. Pangalawa, kung ihahambing natin ang mga iskor at oras ng mga atleta natin sa mga world champion, malayo talaga. Ganoon din ang mapapansin natin sa swimming, dehado tayo sa laki at bilis.
Sa shooting, marami ang magugulat kay Jet Dionisio, dahil ilang ulit na siyang naging kampeon sa Steel Challenge. Subalit lahat ng katanyagan niyay nakuha niya sa pistol; ngayon lang siya mapapalaban sa shotgun. Pero, sa pagkakalala ko kay Jet, lalaban at lalaban yan, huwag lang magkadayaan sa iskoring, na maaari ring mangyari sa archery.
Ang pinakamagandang pag-asa natin talaga ay nasa taekwondo at boksing. Makalusot lang sa unang bout, may laban ang mga boksingero natin. Ayon kay coach Gregorio Caliwan, maraming dagdag na paghahanda ang ginawa ng mga manununtok natin. At sana di na pumayag si Romy Brin na madisgrasya sa unang laban, gaya ng nangyari sa Sydney at Atlanta.
Interesante ring mapanood si Chris Camat, na umuwi ng Pilipinas para sumama sa RP team. Mahilig sumugod, at mautak. Subalit, sa middleweight, maraming malakas na makakalaban.
Sa taekwondo, baka huling hirit na ito ni Donald Geisler, kaya kailangang pagbutihan. Gaya ng sabi ko kanina, huwag lang madaya sa judging, maraming mapupuwing.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am