NCAA Basketball: UPHDS vs Letran

Tiyak na umaatikabong bakbakan ang magaganap ngayon sa engkuwentro ng defending champion Colegio de San Juan de Letran at host University of Perpetual Help Rizal sa tampok na laro sa pagpapatuloy ng ikalawang round ng NCAA men’s basketball tournament ngayong alas-4 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Tulad ng kanilang pagkikita sa first round, ang mananalo sa kani-lang labanan ay manana-tili sa pamumuno.

Nakaungos ang UPHDS sa kanilang first round meeting noong July 23, 71-68 at ito ang nais na maduplika ng Perpetual para makabawi sa kanilang dalawang sunod na talo sa round na ito.

Nakahabol na ang CSJL Knights sa Altas sa pamumuno na pinagsa-saluhan nila sa 6-3 record kasama ang San Sebastian College-Recoletos na nais ding manatili sa liderato sa pakikipagha-rap sa Mapua Institute of Technology sa unang seniors game sa alas-2 ng hapon.

Sa juniors division, magsasagupa ang MIT Red Robins at SSC-R Staglets sa pambungad na laban sa ganap na alas-11:30 ng umaga habang ang UPHDS Altalettes at CSJL Squires naman ang magkikita sa ikaapat at huling laro dakong alas-6 ng gabi.

Show comments