UAAP Basketball Tournament: Blue Eagles sinibat ng Warriors
August 13, 2004 | 12:00am
Nagkaroon na ng lamat ang malinis na kartada ng Ateneo de Manila University at ang University of the East ang gumawa nito.
Ipinalasap ng UE Red Warriors sa ADMU Blue Eagles ang kanilang kauna-unahang kabiguan matapos ang 64-59 panalo kahapon sa pagbubukas ng ikalawang round ng UAAP mens basketball eliminations sa Araneta Coliseum.
Siniguro ni Paulo Hubalde ang kanyang free throws para sa panigu-rong 63-59 kalamangan matapos makalapit ang Ateneo sa 59-61, 18.3 segundo na lamang.
Nabigong makaiskor ang Eagles sa kanilang sumunod na posesyon nang magmintis ang triple ni Magnum Membrere na naging hudyat ng kanilang unang pagkatalo matapos ma-sweep ang pitong laro sa unang round, ngunit hawak pa rin nila ang pangkalahatang pamumuno kasunod ang walang larong defending champion Far Eastern University habang nasolo naman ng East ang ikatlong puwesto sa kanilang 5-3 record.
Samantala, patuloy naman sa pag-ahon ang University of the Philip-pines nang kanilang tuhu-gin ang ikalawang sunod na panalo matapos pasadsarin ang University of Santo Tomas, 79-74 sa unang laro.
Matapos ang anim na sunod na kabiguan, angat na ngayon sa 2-6 record ang UP Maroons habang bumagsak naman ang UST Tigers sa 4-4 karta.
Halos dinomina ng State U na galing sa 69-56 panalo sa kulelat na NU sa pagtatapos ng huling round, nang kani-lang iposte ang 18-puntos na kalamangan, 45-27 bago mag-halftime.
Naiganti ng Maroons ang kabiguan ng Up Integrated School sa juniors kontra sa UST Tiger Cubs na isinalba ng buzzer beating ni Hector Badua, 69-68 para sa kanilang ikapitong sunod na panalo. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended