"This is our humble way of providing inspiration to our national athletes for their sacrifices in giving honor and prestige for the country. They are our modern day heroes," wika ni Atienza.
Inihayag ni Atienza ang nasabing incentive package kahapon matapos na mag-courtsey call sa Manila City Hall ang mga Olympic-bound taekwondo jins na sina Donald David Geisler, Tshomlee Go at Maria Antoniette Rivero na nakatakdang lumipad patungong Athens sa Agosto 15.
Kamakailan, nangako ang Samsung Electronics Phils., Bounty Food at Pacific Internet ng insentibo sa Olympic medalists.
Ang nasabing karagdagang incentive packages ay hiwalay sa mandatory incentives na ibibigay ng national government hinggil sa Republic Act 9064 o National Athletes Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act kung saan pagkakalooban ng P5 milyon ang gold medal, P2.5 milyon ang silver at P1.5 milyon ang bronze.