Kapalit nito ay ang masaklap na kabiguan ng Jose Rizal University at matamis na panalo para sa defending champion Colegio de San Juan de Letran na nakikisosyo na ngayon sa pangkalahatang pamumuno sa NCAA mens basketball tournament.
Matapos mabiyayaan ng pagkakataon sa over-time, sinamantala ng CSJL Knights ang pagkawala ng dalawang key players ng JRU Heavy Bombers upang hatakin ang 87-84 panalo sa Rizal Memorial Coliseum kaha-pon.
Matapos ma-injured sina Wynsjohn Te at Kenneth Coyukang sa ikat-long quarter at hindi na nakabalik sa laro, nagkaroon pa ng tsansa ang JRU Heavy Bombers sa tagumpay.
Angat lamang sa 78-77 ang Letran nang makakuha ng foul si Edward Attunaga kay Jonathan Aldave, isang segundo na lamang ang natitira sa regulation.
Bagamat palaban pa rin ang Jose Rizal hanggang sa huling minuto ng labanan, nag-blunder naman sa freethrow si John Lester Lindaya nang ipasok lamang nito ang huli sa tatlong freethrow mula sa foul ni John Paul Alcaraz sa triple area para makadikit lamang sa 83-85, 41 segundo na lamang.
Bagamat nag-turn-over ang Letran dahil sa travelling violation, nabawi rin agad ng Knights ang posesyon nang mabitiwan ni Lester Mark Lindaya ang bola na agad nakuha ni Aaron Aban.
Umiskor ng double victory ang Letran nang magtagumpay ang Squires kontra sa JRU Light Bombers, 87-64 sa juniors division sa unang laro.
Sa ikalawang seniors game, pinabagsak ng San Sebastian College-Reco-letos ang inaalat pa ring College of St. Benilde, 82-77.
Ang tagumpay na ito ng SSC-R Stags ay nagbigay sa kanila ng pakikisalo sa lider sa walang larong UPHDS at ang nanalong Letran sa kanilang 6-3 karta.