^

PSN Palaro

RP flag opisyal na iwinagayway sa Athens

-
ATHENS--Opisyal ng tinanggap ang Philippines sa Olympic Village noong Martes ng gabi ni Village Mayor John Marros sa isang maikli at simpleng flag-raising ceremony sa amphitheater sa tabi ng International Zone dito.

Pinangunahan ni Chef de Mission Steve Hontiveros ang 27 iba pang miyembro ng ‘lean and mean’ RP delegation na dumalo sa 20 minutong event kung saan inawit ang Pambansang Awit ng Pilipinas kasabay ng dahan-dahang pagtaas ng bandila ng bansa sa kalangitan.

Tampok sa maikling seremonya ang cultural presentation na limang minutong modern dance na siyang naglalarawan sa Olympic motto na ‘Faster, Higher, Stronger’ na kinakitaan din ng pagtataas ng bandila ng tatlong iba pang bansa--Egypt, Iceland at Bhutan.

Nakasuot ang mga Filipinos ng puting Barong Tagalog at brown na pantalon para sa nasabing okasyon.

BARONG TAGALOG

INTERNATIONAL ZONE

MISSION STEVE HONTIVEROS

NAKASUOT

OLYMPIC VILLAGE

OPISYAL

PAMBANSANG AWIT

PILIPINAS

PINANGUNAHAN

TAMPOK

VILLAGE MAYOR JOHN MARROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with