^

PSN Palaro

Kampanya ng Pinas sisimulan ni Figueroa

-
ATHENS--Sisimulan ni Jasmin Figueroa ang kampanya ng Pilipinas sa kanyang nakatakdang paglahok sa ranking round na magtatampok sa lahat ng 64 kalahok na archers sa 28th Olympic Games sa Dekelia Complex field na malapit sa Olympic Village.

Sasabak ang 19-anyos na si Figueroa, na nakatuntong sa top 25 sa katatapos pa lamang na Universiade Games sa Madrid, Spain sa ranking round na magsisimula sa alas-9 ng umaga.

Ang double 70-round event ay binubuo ng 72 arrows, na ang naturang kompetisyon ang siyang magdedetermina sa pair-ings para sa 64-man Olympic Round na nakatakda sa August 15 sa Panathinaiko Stadium.

Naging maganda ang average na tinudla ni Figue-roa na aabot sa 314 puntos sa kanyang ensayo mula ng dumating dito noong nakaraang Sabado at umaaasa siya na mananatili siya sa course maliban lamang kung lumakas ang hangin.

"Bumabagal ako pag lumakas ang hangin," wika ni Figueroa. "Medyo apektado dahil kailangan mag-shoot ng six arrows every four minutes."

vuukle comment

BUMABAGAL

DEKELIA COMPLEX

FIGUE

FIGUEROA

JASMIN FIGUEROA

OLYMPIC GAMES

OLYMPIC ROUND

OLYMPIC VILLAGE

PANATHINAIKO STADIUM

UNIVERSIADE GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with