^

PSN Palaro

TEAM NORTHWOODS, NASA FINALS NA !

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nagkagulo-gulo na sa NCAA dahil sa recent developments at lalo nang nagkadikitan ang mga teams. Bawat laro ngayon ay napakahalaga para sa pito pang teams na may pag-asa pa sa round of four.
* * *
Siguradong isang malaking hit ang PBA All-Star week sa Cebu.

Mautak din ang mga taga-PBA dahil doon nila ginawa at alam nilang sabik ang mga Cebuano sa mga PBA stars. Mabuti’t naamoy ng mga organizers na kung dito nila sa Manila ginawa yan, malamang na maging isang flop yan .
* * *
Napakahusay ng Ateneo Blue Eagles.

Wala silang talo sa first round at sigurado ako,this early pasok na yan sa round of 4. Kaya lang, dapat ingatan ng Ateneo ang law of averages.

Mahirap din yang ganyang puro panalo. Pasa-saan ba’t madadapa din yan.

Baka mamaya, madapa pa yan pag kalaban nila ang NU at UP.
* * *
Suwerte ang isang college player na naglalaro para sa UAAP.

May gay sponsor siya na nagsu-supply ng allowance at iba pang needs.

Pero hindi siya nasasakal tulad ng sa iba. Paano kasi, ang sponsor niya ay nasa abroad.
* * *
Usapang golf, natutuwa naman kami at ang Northwoods Golf and Country Club ay nakapasok na sa finals ng Federation Golf Club tournament.

Ang mga members nito ay sina team manager Tony Pancho, Sunny Donato, Rodel Mangulabnan, Richard Joson, Kim Chang Hoi, Boy Unson, Danny Dalijas, Omar Dungca, at Lito Cruz.

Ang Northwoods golf club ay napakaganda at pagkalaki-laking golf site sa may San Rafael, Bula-can. Ang makakalaban ng Team Northwoods ay ang Canlubang.

Congrats to the Team Northwoods Golf and Country Club!

ANG NORTHWOODS

ATENEO BLUE EAGLES

BOY UNSON

CENTER

DANNY DALIJAS

FEDERATION GOLF CLUB

KIM CHANG HOI

LITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with