^

PSN Palaro

Ikakasal na si Siot!

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Lalagay na sa tahimik si Barangay Ginebra head coach Bethune Tanquingcen ngayong hapon dahil ikakasal na sila ng kanyang long-time girlfriend na si Rica Tenedero.

Lalagay sa tahimik?

E talaga namang tahimik itong si Siot, e!

Hindi nga ba’t kung titingnan si Siot ay para ba itong maamong tupa na hindi puwedeng suminghal sa mga manlalaro niya. Para bang diplomasya lang palagi ang kanyang pinaiiral. Katunayan, hanggang ngayon ay mayroon pa ring hindi makapaniwala na naigiya niya sa kampeonato ang Barangay Ginebra sa katatapos na Gran Matador-PBA Fiesta Conference kung saan tinalo nila sa best-of-five Finals ang Red Bull Barako, 3-1.

Eksaktong isang buwan matapos ang accomplishment na iyon ay ikakasal na nga sina Siot at Rica na magkaklase noong siya’y nag-aaral pa sa University of Santo Tomas. Ayon nga sa ilang kaibigan nating taga-UST, talaga yatang itinadhana na silang dalawa ang magkatuluyan. Seatmates daw sila sa klase, e. Kung alphabetical order nga naman ang seating arrangement, talagang magkatabi sila dahil Tanquingcen muna bago Tenedora.

Matapos ang kasal na gaganapin sa Manila Polo Club mamayang 4:30 pm ay seatmates na sila habang buhay!

Simple lang ang Christian wedding na magaganap. Katunayan ay nakita namin ang isang imbitasyon at napuna na wala talagang mga malalaking pangalan sa basketball circles tulad ng kasal ng ibang basketball personalities na nadaluhan natin.

Tig-apat ang ninong at ninang nina Siot at Rica at sa mga ito’y tatlo ang kilala namin. Kabilang sa listahan si Mommy Belen Fran na nanay ni Patrick Fran, kakampi ni Siot noong siya’y naglalaro pa sa University of Santo Tomas Growling Tigers.

Kasama din sa listahan si Vicente Chua na siyang unang coach ni Siot noong siya’y naglalaro pa sa Philippine Cultural High School. Hindi nga ba’t sinabi ni Siot na isa si Chua sa malalaking impluwensiya sa kanyang pagko-coach bukod sa Amerikanong si Ron Jacobs. Nasa listahan din si Benito Lim na team manager dati ng UST Growling Tigers.

Ang iba pang wedding sponsors ay sina Robert Tablico, Emy Pascual, Jo Perez, Lim Hua Kun, Adelaida Punzalan at Belen Fran. Matapos ang kasal ay tutulak sa Maldives sina Bethune at Rica para sa kanilang pulot-gata.

Si Tanquingcen sana ang hahawak sa South Selection sa PBA All-Star Game na gaganapin sa Cebu City sa susunod na Linggo. Pero nag-back out siya dahil nga sa ikakasal na siya. Makakatanggi ba si PBA Commissioner Noli Eala sa dahilang inihain ni Siot. Kaya naman bilang kapalit ni Siot ay si Joel Banal ng Talk N Text ang siyang hahawak sa South Selection.

Saglit lang siguro ang honeymoon na magaganap at pagkatapos ay balik na kaagad si Siot sa trabaho. Kasi’y dalawang buwan na lang ay magsisimula na ang 30th season ng PBA. At siyempre, nais niyang patunayan na hindi tsamba ang panalong nagawa ng Gin Kings.

Ang balita namin, kapag nakaulit ang Barangay Ginebra sa darating na All-Filipino Cup, malamang na trip to the United States ang maging bonus nila.

Second honeymoon iyon!

ADELAIDA PUNZALAN

ALL-FILIPINO CUP

ALL-STAR GAME

BARANGAY GINEBRA

BELEN FRAN

BENITO LIM

BETHUNE TANQUINGCEN

RICA

SIOT

SOUTH SELECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with