XI Nice Int'l Open Chess Tournament: Paragua ratsada pa rin

Nagposte ng isang draw at panalo ang No. 1 player ng bansa na si GM-can-didate Mark Paragua upang palakasin ang kanyang kampanya para sa kampeonato sa pagtatapos ng fifth round ng XI Nice International Open Chess tournament noong Huwebes ng gabi sa Grand Aston Hotel sa Nice, France.

Nakipag-draw si Paragua kay IM Aurelien Dunise ng France sa fourth round na sinundan naman ng kanyang pananaig laban kay Antye Jurkovic ng Croatia sa fifth round upang dalhin ang kanyang kampanya sa pakikisalo mula sa 3rd hanggang 9th place.

Si Paragua ay may naii-pon ng 4 puntos matapos ang limang rounds katabla ang dalawa pang Pinoy na sina IM Ronald Bancod at NM-candidate Roland Salvador, IM Dunise, GM Nenmad Sulava ng Croatia, GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia at IM Arthur Ablianin ng Belgium.>

Show comments