Ang panalo ay naghatid kay Paragua na makisalo mula sa 6th hanggang 14th place matapos na makaipon ng 2.5 puntos na gaya rin ng output ng kapwa Pinoy chessers na si IM Ronald Bancod, GM Nenad Sulava at IM Milan MRDJA ng Croatia, IM Vladimir Kostic ng Yugoslavia, Jan Joris Groenewold ng Netherlands, Mats Orndahl ng Sweden, Alexis Hab at Jean Philippe Serre ng France.
Nakatakda ring sumabak ang 20-anyos na si Paragua sa tatlong Grandmaster Tournament sa Alustha, Ukraine simula sa Agosto 27 hanggang Oktubre 3 ngayong taon.
Sa iba pang laro, nauwi naman sa draw ang laban sa pagitan nina Bancod at ng Grandmaster kay IM MRDJA sa third round, habang minalas naman ang dalawang Filipino sa kani-kanilang laban.
Nabigong isulong ng bagong Pinoy IM na si Yves Rañola ang kanyang panalo matapos na yumukod kay GM Davor Komljenovic ng Croatia na naging daan upang mapako sa 15th place sanhi ng kanyang 2 puntos, habang nasupil naman si National Master Rolando Nolte ni GM Sulava at lumagpak ito sa 89th place kasama ang isa pang Pinoy NM na si Rolly Martinez bagamat nakapuwersa ng draw sa top seed at Super GM na si Igor Miladinovic ng Greece.
Naisukbit naman ni IM Joseph Sanchez ang kanyang unang panalo matapos na manaig kay Cherif Zermiche ng France.
Samantala, sa Spain, muling pinagana ni International Master Jayson Gonzales ang kanyang abilidad nang kanyang igupo ang 34th seed na si Eduard Lopez Agustench ng Spain upang maka-salo sa pansamantalang pamu-muno sa pagtiklop ng third round ng XXX Badalona International Open Chess Championships na ginaganap sa Club Escacs Sant Joseph De Badalona sa Barcelona, Spain.