^

PSN Palaro

Isa pang Women FIDE Master biniktima ni Paragua

-
Ipinagpatuloy ni International Master Mark Paragua ang kanyang pananalasa matapos na idagdag sa kanyang mga biktima ang Woman FIDE Master na si Darja Kaps ng Slovakia sa pagtatapos ng third round upang palakasin ang kanyang kampanya sa XI Nice International Open Chess tournament noong Miyerkules ng gabi sa Grand Aston Hotel, Nice France.

Ang panalo ay naghatid kay Paragua na makisalo mula sa 6th hanggang 14th place matapos na makaipon ng 2.5 puntos na gaya rin ng output ng kapwa Pinoy chessers na si IM Ronald Bancod, GM Nenad Sulava at IM Milan MRDJA ng Croatia, IM Vladimir Kostic ng Yugoslavia, Jan Joris Groenewold ng Netherlands, Mats Orndahl ng Sweden, Alexis Hab at Jean Philippe Serre ng France.

Nakatakda ring sumabak ang 20-anyos na si Paragua sa tatlong Grandmaster Tournament sa Alustha, Ukraine simula sa Agosto 27 hanggang Oktubre 3 ngayong taon.

Sa iba pang laro, nauwi naman sa draw ang laban sa pagitan nina Bancod at ng Grandmaster kay IM MRDJA sa third round, habang minalas naman ang dalawang Filipino sa kani-kanilang laban.

Nabigong isulong ng bagong Pinoy IM na si Yves Rañola ang kanyang panalo matapos na yumukod kay GM Davor Komljenovic ng Croatia na naging daan upang mapako sa 15th place sanhi ng kanyang 2 puntos, habang nasupil naman si National Master Rolando Nolte ni GM Sulava at lumagpak ito sa 89th place kasama ang isa pang Pinoy NM na si Rolly Martinez bagamat nakapuwersa ng draw sa top seed at Super GM na si Igor Miladinovic ng Greece.

Naisukbit naman ni IM Joseph Sanchez ang kanyang unang panalo matapos na manaig kay Cherif Zermiche ng France.

Samantala, sa Spain, muling pinagana ni International Master Jayson Gonzales ang kanyang abilidad nang kanyang igupo ang 34th seed na si Eduard Lopez Agustench ng Spain upang maka-salo sa pansamantalang pamu-muno sa pagtiklop ng third round ng XXX Badalona International Open Chess Championships na ginaganap sa Club Escacs Sant Joseph De Badalona sa Barcelona, Spain.

vuukle comment

ALEXIS HAB

BADALONA INTERNATIONAL OPEN CHESS CHAMPIONSHIPS

CHERIF ZERMICHE

CLUB ESCACS SANT JOSEPH DE BADALONA

CROATIA

DARJA KAPS

DAVOR KOMLJENOVIC

EDUARD LOPEZ AGUSTENCH

KANYANG

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with