30th Asia-Pacific Zone Pony Baseball: Chnese-Taipei vs Japan
August 5, 2004 | 12:00am
Humatak ng tagumpay ang Chinese-Taipei at Japan sa magkaibang paraan upang isaayos ang titular showdown sa 30th Asia-Pacific Zone Pony Baseball Cham-pionship sa Rizal Memorial Baseball Field.
Sumakay sa mahinang panalo noong Martes, ipinalasap ng Taiwan-ese sa host Philippines ang ikalawang kabiguan, 17-0 habang pinabagsak naman ng Japanese ang Koreans, 5-1 upang makausad sa championship round ng event na ito na nagsisilbing World Series qualifier.
Humataw si Wen Wang ng tatlo sa kanyang team tournament high na 10 homers habang isang hit at walk lamang ang ibinigay ni Cheng Chi Po sa pinaiksing five-inning game para sa ikalawang sunod na panalo ng Chinese-Taipei sa tor-neong inorganisa ni RP tot baseball head Rodolfo Boy Tingzon Jr.
Ang Taiwanese, na nagwagi sa huling pag-daraos ng event na ito na itinataguyod ng Jollibee, Purefoods, Coca-cola, San Miguel at Pizza Hut may dalawang taon na ang nakakaraan, ay makakaharap ang Japan na wala ring talo, sa alas-10 ng umagang laban na magsisilbing preview ng championship showdown bukas.
Ang magwawagi sa apat na araw na event na ito ay ang kakatawan sa Asia-Pacific Zone sa Pony World Series sa Pennsylvania, USA sa susunod na buwan.
Mas maganda ang nilaro ng local clouters sa laban nila. Kumana ng single sa ilalim ng third inning si John Romulo ngunit nabigo naman sa second base na tinangka niyang nakawin.
Nag-walk naman si Reynaldo Calma Jr. makaraang kumuha ng hit sa pitched ball sa ikalima at final inning ngunit lumasap din ng naging kapalaran ni Romulo.
Samantala, sinabi ni coach Noel Katipunan na ang 13 anyos na si Juan Khristopher Angeles na aksidenteng tinamaan ng bola sa kabiguan nila sa Japan ay sasailalim sa jaw operation ngayon sa Ospital ng Maynila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended