^

PSN Palaro

30th Asia-Pacific Zone Pony Baseball

-
Maagang inalat ang host Philippines at lumasap ng 19-0, pambubugbog ng powerhouse Japan sa panimula ng 30th Asia-Pacific Zone Pony Baseball kahapon sa Rizal Memorial baseball field.

Maganda rin ang panimulang kampanya ng tournament favorite Chinese-Taipei makaraang pabagsakin ang Korea, 13-2 sa 4-team event na ito na magsisilbing regional qualifier para sa Pony World Series sa Pennsylvania, USA.

Humataw ng 9 sunod na Pinoy batter si Shogo Iha bago tinapos ni Tsu-basa Koja ang kalaban sa pamamagitan ng mahusay na performance sa mound at plate.

Binuksan ni Koja ang scoring spree ng Japan sa kanyang two-run homer sa leftfield sa ilalim ng first inning bago kumana ng dalawang RBI (runs-batted-in) si Nanki Matsumoto nang makipagkarera ang Okinawa clouters sa 4-0 panimula.

Apat na runs sa se-cond frame at tatlo pa sa 4th frame ang nagbaon sa Pinoy, 0-11.

Binugbog pa ng Japanese, na maagang dumating sa bansa para sa torneo, ang Morong, Bataan-based batters at umiskor ng walo pang runs sa ikaapat na inning.

Nadagdagan ang sakit ng Pinoy nang aksi-denteng tamaan ni Mat-sumoto ang kaliwang ka-may ni Juan Kristopher Angeles, ikatlo sa apat na hurlers na ipinasok ni coach Noel Katipunan, na tumalbog sa kanyang kaliwang panga. Isinugod siya sa venue clinic at dinala din sa Manila Sanitarium para ma-check-up.

ASIA-PACIFIC ZONE PONY BASEBALL

JUAN KRISTOPHER ANGELES

KOJA

MANILA SANITARIUM

NANKI MATSUMOTO

NOEL KATIPUNAN

PINOY

PONY WORLD SERIES

RIZAL MEMORIAL

SHOGO IHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with