Ipagdasal natin ang tagumpay ng ating atleta
August 3, 2004 | 12:00am
Ngayong Agosto na ang pagtatanghal ng Olympics kung saan gaganapin ito sa bansang pinagmulan ng Olimpiyada--sa Greece, Athens.
Maliit na delegasyon ang ipadadala ng Pilipinas--3 sa boxing, 2 athletics, 3 taekwondo, 4 swimming, 1 archery, 1 shooting.
Matagal ng pangarap ng bansa na makasungkit ng mailap na gintong medalya sa Olympics.
Muli, umaasa ang ating mga kababayan na maiuuwi na rin natin sa wakas ang mailap na gintong medalya.
Kung saang sports at sinong atleta ang susuwertehin, ay hindi natin batid.
Pero, malaki ang tiwala ng ating mga kababayan na maiuuwi ng boxing o ng taekwondo ang tagumpay na ikararangal ng buong Pilipinas.
Bagamat, ayaw nating umasa, lahat ay dumadalangin na sana nga ay makakuha na tayo ng ginto.
Malaki rin ang sakripisyo ng ating atleta at talagang todo-todo ang pagsasanay nila dito para lamang makarating sa Olympics. Katunayan, ang makasali sa Olympics ay isang malaking karangalan na para sa mga atleta.
Masyadong mataas ang qualifying standard ng Olympics na ibig sabihin kung naabot man ng Pinoy ito, ay malaking karangalan na.
Kaya naman lalo silang nagsisikap na sana ay masungkit na nila ang mailap na gintong medalya.
Malaki ang maitutulong ng ating mga kababayan sa kampanya na ito ng mga atletang Pinoy kung atin silang ipag-darasal.
Sama-sama tayong magdasal para sa ating mga atleta.
Ang tagumpay nila ay tagumpay ng ating bansa.
Ngayong Agosto din idaraos ang PBA All-Star sa Cebu City. Marami silang nakahandang gimik diyan sa Cebu kaya hintayin nyo na lang sila.
Personal: Belated happy birthday kay Ato Agustin noong Agosto 1, at happy birthday din kina Wilma Santos (Aug. 4), Eric Altamirano (Aug. 8), Tess Hayashida (Aug.8), Emma Doroteo (Aug. 9) kay Ninong Elmer Yanga (Aug. 13) at sa aking lovely and sexy friend Jocelyn Rodillo (Aug. 15).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended