Dahil sa natamong panalo ng anak ng Cebu City ay nakalikom na si Sanchez ng 6.0 na puntos at makihanay kina Super GM Vladislav Tkachiev at GM Andrei Sokolov ng France, Super GM Igor Miladinovic ng Greece, GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia, GM Mladen Palac ng Croatia at GM Bogdan Lalic ng England.
Habang nanalo din si Filipino National Master Yves Rañola ng Caloocan City kontra kay Aurelio Colmenares ng Lugano, Switzerland para makaipon ng 5.5 puntos at makisosyo sa ika-9 hanggang ika-21 na puwesto na kinabibilangan nina GM Chanda Sandipan ng India, GM Davor Komljenovic ng Croatia, IM Yannick Gozzoli, IM Aurelien Dunis at IM Matthieu Cornette ng France, IM Fabio Bellini, FM Folco Castaldo at FM Maurizio Brancaleoni ng Italy, IM Slavisa Peric at IM Vladimir Kostic ng Yugoslavia, IM Sebastian Siebrecht ng Germany at FM Fabricio Patuzzo ng Switzerland.
Hindi pa rin matinag sa unahang puwesto si overnight solo lider GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia matapos makipaghatian ng puntos kay Super GM Miladinovic sa top board encounter.
Sa isang banda, minalas naman ang isa pang Pinoy entry na si IM Ronald Bancod matapos yumuko kay GM Lazic para mapako ang una (Bancod) sa 5.0 puntos at mahulog sa ika-22 hanggang ika-40 na puwesto.