^

PSN Palaro

Archers lusot sa Maroons

-
Kapwa dumaan sa butas ng karayom ang De La Salle University at University of Santo Tomas para maitakas ang magkahiwalay na panalo sa UAAP men’s basketball tournament sa PhilSports Arena kahapon.

Kinumplementuhan ni Jayvee Casio ang mahabang paghahabol ng DLSU Green Archers ng 14 puntos nang umiskor ito ng short jumper sa huling 20-segundo ng labanan para sa come-from-behind 69-68 panalo kontra sa University of the Philippines upang iangat ang win-loss record sa 4-2 panalo-talo na nasa ikatlong puwesto sa likod ng Ateneo na may 5-0 at defending champion Far Eastern University, 4-1.

Sumablay ang basket ni Bestor David sa ilalim sa huling posesyon ng UP Maroons na siyang dahilan ng kanilang ikalimang sunod na kabiguan sa gayon ding dami ng laro para samahan ang National University.

Samantala, kinailangan ng University of Santo Tomas ng suwerte at ng malakas na loob ni Danny Pribhdas upang hatakin ang 74-72 panalo laban sa University of the East matapos maupos ang 13-puntos na bentahe at hayaang lumamang ang kalabang sa halos kinontrol nilang laro sa kabuuan ng laban.

Kahit muntik nang makawala kay Pribhdas ang bola habang papaubos na ang natitirang 13.6 segundo ng huling posesyon ng UST Tigers, nagawa niyang maipreserba ang bola sa kanyang mga kamay sa mahigpit na depensa ni Paolo Hubalde at kahit alanganin ang bahagyang patagilid na posis-yon ay pinilit nitong tumira bago tumunog ang final buzzer tungo sa panalo ng UST.

Umiskor ng double victory ang Uste matapos mamayani ang Tiger Cubs laban sa Adamson Baby Falcons, 73-67 sa juniors game.

ADAMSON BABY FALCONS

BESTOR DAVID

DANNY PRIBHDAS

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

JAYVEE CASIO

NATIONAL UNIVERSITY

PAOLO HUBALDE

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with