Pero bakit nga ba ganoon na lang ang bagsik ng dedi-kasyon ng mga student-athletes?
Kung tutuusin, nakakapagtaka ang ganitong klase ng pagbibigay ng sarili. Pag-isipan natin. Nagbayad na ang mga magulang, bumili na ng libro, uniporme, hatid-sundo pa. Tapos, makikita nilang handang masaktan ang anak sa sports at masira ang kinabukasan.
Marahil, ang dahilan ay ang paaralan ay ang lugar kung saan natin nararanasan ang pinakamatitingkad na damdamin. Dito tayo natututong magmahal, masaktan, mapahiya. Dito tayo namumuhunan ng mga karanasang di natin malimutan, na humuhubog sa ating pagkatao.
Ilang dekada na ang lumipas nang lumabas ang isang pag-aaral tungkol sa mga nadakip ng mga terorista. Sa pana-naliksik, natagpuan na ang ilang kidnap victim ay nakikisim-patya pa sa mga dumukot sa kanila. Ang ilan pa ay nagkaka-relasyon sa mga kumidnap sa kanila. Ganito rin kaya ang pinagdadaanan ng mga mag-aaral?
Tila di mabitawan ng marami ang matatamis at mapapait na pinagdaanan, lalo na sa high school at college.
Sabagay, mahirap talikuran ang mga pangyayaring humu-bog sa ating pagkatao, pati na rin ang sport kung saan tayo nag-imbak ng maraming panahon at pagod. Pag pinagsama ang dalawa, talagang mahirap kumalas.
Ito ang sikreto ng mga paaralang malalakas sa sports at maging sa industriya. Nahahatak nila ang pinagsamang lakas ng kanilang mga gradweyt. Patunay lamang ito na marunong pa rin tayong tumanaw ng utang ng loob.