^

PSN Palaro

XVI Open Cannes Int'l. Chess Championship: 2 Pinoy namayani

-
Pinayuko nina IM Joseph Sanchez at IM Ronald Bancod ng Pilipinas ang kani-kanilang katunggali para makisosyo sa ika-6 hanggang ika-17 na puwesto matapos ang seventh round sa pagpapatuloy ng 166 man-field XVI Open Cannes International Chess Championships kahapon sa Cannes, France.

Tinalo nina Sanchez at Bancod sina Pavel Govciyan at Eric Huin ng France sa seventh round, ayon sa pagkakasunod, para sa kanilang tig-5.0 puntos at makahanay sina Super GM Vladislav Tkachiev ng France, GM Vadim Malak-hatko ng Ukraine, GM Chanda Sandipan ng India, GM Bogdan Lalic ng England, GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia, GM Davor Komljenovic ng Croatia, IM Fabio Bellini ng Italy, IM Sebastian Siebrecht ng Germany, IM Aurelien Dunis at IM Benjamin Bujisho ng France.

Napanatili naman ni GM Sinisa Drazic ng Yugoslavia ang pagtangan sa pangkahalatang liderato matapos makaipon ng 6.0 puntos sa bisa ng pagkapanalo kontra kay GM Andrei Shchekachev ng Russia sa sixth round at pagkasya ng tabla kay GM Mladen Palac ng Croatia sa seventh round kahapon.

Hindi pinalad si Filipino National Master Yves Rañola sa seventh round makaraang yumuko ito kay IM Yannick Gozzoli ng France para mapako ang una (Rañola) sa 4.5 puntos at mahulog sa ika-18 hanggang ika-32 na puwesto.

Sa isang banda, dahil sa natamo namang panalo ni IM Gozzoli kay Rañola ay naka-pagtipon ang una (Gozzoli) ng 5.5 puntos para makisalo sa ika-2 hanggang ika-5 puwesto na kinabibilangan nina Super GM Miladinovic Greece, GM Mladen Palac ng Croatia at GM Andrei Sokolov ng France.

Sa eight round, tangan ang itim na piyesa ni IM Sanchez kontra kay GM Malakhatko; isusulong naman ni IM Bancod ang puting piyesa kontra kay GM Lazic habang nanaisin namang makabalik sa konten-siyon ni Rañola na hawak ang puting piyesa kontra kay Aurelio Colmenares ng Lugano, Switzerland.

ANDREI SHCHEKACHEV

ANDREI SOKOLOV

AURELIEN DUNIS

AURELIO COLMENARES

BANCOD

BENJAMIN BUJISHO

BOGDAN LALIC

CHANDA SANDIPAN

CROATIA

MLADEN PALAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with