UAAP Volleyball Tourney: DLSU Green Archers minalas
July 31, 2004 | 12:00am
Nahati ang asignatura ng De La Salle noong Huwebes nang mapanatili ng kababaihan ang kanilang mainit na kampanya sa pananatili sa korona ngunit bigo naman ang kalalakihan sa UAAP season 67 volleyball tournament sa UP Human Kinetics gym.
Ang The Lady Archers ay may 2-0 win-lost record matapos daigin ang UP, 25-15, 25-20, 25-2, sa loob ng 69 minutes, ngunit ibinigay naman ng Green Archers ang liderato sa kanilang kalabang UST at UP.
Tinalo ng UST ang De La Salle sa loob ng 86 minuto, 25-18, 26-28, 25-17, 29-27 para makasama sa 2-0 ang UP, na pinigil ang UE, 25-15, 25-18, 25-14.
Nakabangon naman ang Far Eastern Tamaraws nang igupo nila ang National U, 25-16, 25-16, 25-17, at gayundin ang Adamson, na nanaig sa Ateneo, 25-16, 25-22, 25-21 noong Huwebes.
Wala pang talo ang Lady Archers sa dalawang laro at ang huling biktima nila ay ang Lady Maroons, 25-15, 25-20, 25-21. Nanaig naman ang UE Red Skirts sa NU, 25-4, 25-8, 25-19.
Inilista naman ng UST ang pinakamabilis na panalo sa loob ng 23 minuto kontra sa Adamson 25-13, 25-18, 25-21habang namayani din ang FEU sa deretsong tatlong sets kontra sa Ateneo 25-18, 30-28, 25-21.
Magbabalik ang aksiyon bukas sa UP gym kung saan maghaharap sa mens ang UE at NU sa alas-8:30 ng umaga, UP at FEU sa alas-10 ng umaga, DLSU at Adamson sa ganap na ala-una ng hapon at UST vs Ateneo bandang alas-2:30 ng hapon. Sa kababaihan, maglalaban ang UP at NU dakong alas-8:30 ng umaga, DLSU laban sa UE sa alas-10 ng umaga, FEU kontra sa UST sa ala-una ng hapon at Ateneo vs Adamson sa alas-2:30 ng hapon.
Samantala, sa womens basketball, tangka ng UP ang kanilang ikatlong panalo kontra sa De La Salle, habang target naman ng defending champion Adamson ang ikalawang sunod na panalo laban sa Far Eastern U bukas sa womens basketball sa Adamson gym.
Nakatakdang magharap ang Lady Maroons at Lady Archers, na kapwa wala pang panalo sa ganap na alas-8 ng umaga.
Makikipagtipan naman ang Adamson sa FEU bandang alas-11 ng umaga.
Sa iba pang laban magta-tagpo ang wala pang pana-long UST at UE sa alas-9:30 ng umaga at naka-bye sa araw na iyon ang Ateneo .

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended