Rañola nakabalik sa kontensiyon
July 30, 2004 | 12:00am
Pinayuko ni Pinoy National Master Yves Rañola (ELO 2410) si Slavisa Peric (ELO 2259) ng Yugoslavia para makabalik sa kontensiyon matapos ang fourth round ng XVI Open Cannes International Chess Championships kahapon sa Cannes, France.
Dahil sa natamong panalo, nakalikom si Rañola ng 3.0 puntos para makisosyo sa ika-5 hanggang ika-25 na puwesto.
Sa isang banda, nasolo ni GM Lazic ang pangkalahatang liderato matapos talunin si IM Aurelien Dunis (ELO 2443)ng France sa fourth round kahapon para maitala ang ika-4 na sunod na panalo.
Magkasalo naman sa ika-2 hanggang ika-4 na puwesto sina GM Andrei Sokolov (ELO 2583) ng France, GM Andrei Shchekachev (ELO 2555) ng Russia at GM Sinisa Drazic (ELO 2461) ng Yugoslavia matapos makalikom ng tig 3.5 puntos.
Habang nasa ika-26 hanggang ika-48 na puwesto naman ang dalawa pang Pinoy entry na sina IM Ronald Bancod (ELO 2354) at IM Joseph Sanchez (ELO 2453) matapos makapagtala ng tig 2.5 puntos.
Katabla naman ni Bancod si Eric-Mihail Sighirdjian (ELO 2184) ng France sa third round at sinundan naman ng panalo kontra kay Laurie Delorme (ELO 2037) ng France sa fourth round.
Habang si Sanchez ay nakatabla siya kay GM Shchekachev sa third round at nabigo naman kay Super GM Miladinovic sa fourth round.
Makakalaban ni NM Rañola sa fifth round si Super GM Vladislav Tkachiev (ELO 2615) ng France na mas kilalang "Mr. Blitz" sa Europa; habang katapat naman ni IM Bancod si FIDE Master Patrick Van Hoolandt (ELO 2245) ng Monaco at kasagupa naman ni IM Sanchez si FIDE Master Philippe Guyot (ELO 2323) ng France.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am