^

PSN Palaro

NCAA Basketball Tournament: Makabawi asam ng Letran at San Sebastian

-
Makabawi sa masakit na kabiguan ang pakay ng defending champion Colegio De San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos sa kanilang nakatakdang pagsasagupa ngayon sa pagtatapos ng unang round ng elimination ng NCAA men’s basketball Tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang tampok na engkuwentro ng SSC stags at CSJL Knights ay nakatak-da sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Jose Rizal University at kulelat na College of St. Benilde sa alas-2:00.

Sa labanan ng top-two teams noong nakaraang Biyernes, sumadsad ang CSJL Knights kontra sa host University of Perpetual Help Dalta System, 68-71 habang naisahan naman ang San Sebas-tian ng JRU Heavy Bombers nang kumana ng buzzer-beating game winning triple si Wynsjoh Te para maitakas ng Jose Rizal ang 81-79 panalo noong July 21.

Hindi makakasama ngayon ng Letran ang kanilang star player na si Ronjay Enrile na nasuspindi ng isang laro dahil sa kanyang di magandang inasal sa nakaraang pagkatalo nang kanyang duraan sa mukha si Dom Javier.

Sasamantalahin ng Baste ang pagkakataong ito upang maiangat ang kanilang 3-3 kartada ng kasunod ng 4-2 ng Letran sa likod ng nangungu-nang 6-1 rekord ng UPHR Altas at 5-2 ng Mapua Institute of Technology.

Ang malaking panalo laban sa San Sebastian ang magiging inspiration ng Jose Rizal na nakaahon sa 2-4 kartada na pinapaborang manalo laban sa CSB Blazers na walang ipinanalo sa anim na laro sanhi ng kanilang pangungulelat.

Gayunpaman delikado ang Heavy Bombers sa St. Benilde dahil siguradong gigil nang makasungkit ng panalo ang Blazers.

Sa juniors division, maghaharap ang La Salle Zobel at ang JRU Light Bombers sa alas-11:30 ng umaga habang ang SSC-R Staglets at CSJL Squires ang magduduwelo sa dakong alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

COLEGIO DE SAN JUAN

COLLEGE OF ST. BENILDE

DOM JAVIER

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LA SALLE ZOBEL

LETRAN

LIGHT BOMBERS

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with