^

PSN Palaro

UAAP Basketball Tournament: Lumalakas na Adamson haharapin ang UE

-
Pinatunayan ng pinalakas na Adamson University na sila ang mala-kas na title contender para sa taong ito matapos ang malaking tagumpay laban sa bigating De La Salle University.

Lalong nagkaroon ng tsansa ang AdU Falcons sa mailap na korona ng UAAP men’s basketball tournament sa pagkawala ng key player na nangungunang Ateneo de Manila University na si Larry Fonacier na sumailalim sa operasyon para sa napunit na ACL.

Ang magandang kapalarang ito ay hangad masustinahan ng Adam-son sa pakikipagharap sa University of the East sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang sagupaang Falcons at UE Warriors sa ala-1:30 ng hapon na susundan ng engkwentro ng DLSU Green Archers at Uni-versity of Santo Tomas sa alas-4:00.

Nasa ikalawang puwesto ngayon ang Adamson kasosyo ang defend-ing champion Far Eastern University taglay ang 3-1 record sa likod ng pahingang ADMU Blue Eagles na may malinis na 4-0 kartada.

Tumaas ang morale ng Falcons matapos ang 64-62 pamamayani laban sa La Salle noong Sabado para sa back-to-back win.

Sa tangkang ikatlong sunod na panalo, muling sasandal ang Adamson kina Patrick Tiongco, Kenneth Bono, Ramil Tagupa, Jose Hate, Hakim Gandarosa, Jeomar Canuday, Marvin Poloyapoy at iba pa.

Hangad naman ng UST Tigers at Green Archers na makabangon sa kanilang nakaraang kabiguan upang basagin ang pagtatabla sa 2-2 record kasama ang East.

Sa juniors division, maghaharap ang La Salle Zobel at UP Integrated School sa alas-11:00 ng umaga habang ang Blue Eaglets at ang UST Tiger Cubs ang magkikita sa ikaapat at huling laro, alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

ARANETA COLISEUM

BLUE EAGLES

BLUE EAGLETS

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

HAKIM GANDAROSA

INTEGRATED SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with