^

PSN Palaro

Pinay belles naka-silver lang

-
Bagamat ibinigay ng Philippine women’s volleyball team ang lahat ng kanilang makakaya upang malusutan ang mabigat na labang inilatag ng beteranang Taiwanese team, hindi pa rin ito sapat upang maiwasan na malasap ang (0-3) 16-25, 19-25, 21-25 kabiguan upang makawala sa kanilang kamay ang iniingatang titulo sa 2nd Inter-religious Peace Sports Festival na ginaganap sa Sun Moon University sa Asan, Korea.

At dahil sa pagbibigay ng buong suporta ng 46- RP contingent sa pangunguna ng delegation head na si Jose Ma. Sumiller at Philippine Amateur Volleyball Association president Roger Banzuela, nagawang itindig ng Filipina volleybelles ang kanilang reputasyon nang bigyan ng sakit ng ulo ang Taiwanese sa kanilang mga pag-atake sa net.

At ang kanilang game plan at taktika ang naging daan upang maging ma-higpitan ang pagpapalitan ng puntos kung saan ang nagtatanggol na kampeon ay binanderahan ni Ma. Concepcion Legaspi at Rubie de Leon at kunin ang 16-15 bentahe sa first set.

Subalit sa sumunod na tagpo, medyo kinapitan ng malas ang Pinay belles nang magsimulang kumulapso sa kanilang depensa at makamit ang kabiguan sa nasabing set.

Halos ganito rin ang naging eksena sa second set nang makipaglaban ng mata-sa-mata ang Pinay belles bago sa huli ay dumausdos tungo sa kanilang pagkatalo.

Sa kabilang banda naman, hindi rin pinalad ang men’s counterpart ng Philippines na maisubi ang bronze medal matapos na yumukod sa Sri Lanka, 18-25, 22-25, 20-25.

Kasalukuyang nakikipaglaban ang Philippines sa track and field, badminton at table tennis sa IPSF annual interfaith and inter-cultural athletic event na ito habang sinusulat ang balitang ito.

ASAN

CONCEPCION LEGASPI

JOSE MA

KANILANG

PEACE SPORTS FESTIVAL

PHILIPPINE AMATEUR VOLLEYBALL ASSOCIATION

PINAY

ROGER BANZUELA

SRI LANKA

SUN MOON UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with