May target sina Bulauitan at Buenavista sa Athens

Aminado si track and field head coach Joseph Sy na walang tsansa sina long jump expert Lerma Bulauitan-Gabito at long distance artist Eduardo Buenavista sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece.

Ayon kay Sy, ang pagbura lamang sa mga Philippine records ang pangunahing target nina Bulauitan-Gabito at Buenavista sa Athens Games sa Agosto 13-29.

Tangan pa rin ni Elma Muros-Posadas ang RP mark sa women’s long jump, habang si Buenavista ang hari sa men’s marathon.

"Kay Lerma, ang unang target namin ay mabura ang national record na 6.56-meters ni Elma Muros at ganoon rin naman kay Eduardo Buenavista sa record niya sa marathon," wika ni Sy kahapon.

Ito ang ikalawang pag-kakataon na magkasabay na lalahok sina Bulauitan-Gabito at Buenavista sa Olympics matapos noong 2000 Games sa Sydney, Australia.

Nagsasanay si Bulauitan-Gabito sa Maynila, samantalang nasa Baguio City naman si Buenavista.

Samantala, unang bibiyahe patungo sa Athens Greece ang mga Pinoy boxers para sa paglahok ng Philippine delegation sa 28th Olympic Games sa Agosto.

Sa pamumuno ni welterweight Romeo Brin, beteranong ng 1996 Atlanta at 2000 Sydney Olympics, ang apat kataong boksingero ay darating sa makasaysayang lungsod sa Agosto 5. ang iba pang boxers ay sina lightwieght Harry Tanamor, lightlweight Violito Payla at middleweight Chris Camat. Kasama din nila sina coach George Cali-wan, Boy Velasco at Pat Gaspi, at boxing chief Manny Lopez.

Sa Agosto 6 naman darating sina swimmer Timmy Chua, archer Jasmine Figueroa at shooter Jethro Dionisio.

At sa Aug. 8, sina swimmers Miguel Molina at Miguel Mendoza na mula sa US ang darating at trucksters Lerma Bulauitan Gabito at Eduardo Buenavista na mula naman sa Maynila. Sina Fil-American swimmers Jaclyn Pangilinan at JB Walsh ay nakatakdang dumating sa Aug. 10 at 11, ayon sa pagkakasunod.

Ang RP taekwondo team na binubuo nina o jins Marie Antoinette Rivero, Tshomlee Go at Donald Geisler ay nakatakdang dumating sa Aug. 15.

Show comments