Vence, Cachero bumandera sa Metro Manila elims
July 26, 2004 | 12:00am
Pinagharian ni five-time national champion Roy Vence ng Philippine Navy ang Metro Manila elimination race ng 28th Milo Marathon sa Quirino Grandstand at isiguro ang sarili ng puwesto sa National Finals sa Nobyembre 14.
Tinapos ng 34 anyos na si Vence ang 42.195 kilometrong karera sa bilis na dalawang oras, 28 minuto at 29 segundo upang daigin si Mamerto Corpuz ng mahigit apat na oras.
Pumangatlo naman si Reynaldo delos Reyes, na isa ring dating national champion na may tiyempong 2:32:17.
Ang iba pang nagtapos na umabot sa 4-hour cut off ay kuwalipikado rin sa finals ng event na ginaganap sa pakikipagtulungan ng Adidas, Globe Handyphone, Bayview Park Hotel-Manila, Cebu Pacific at Department of Tourism.
Sa kababaihan, dinomina naman ng 23 anyos na si Flordeliza Cachero ang karera nang maorasan ito ng 3:03:10.
Pumangalawa naman si Liza Delfin (3:08:30) at ikatlo si Gloria Diaz (3:20:11). Ang cut off time para sa kababaihan ay four hours at 30 minutes. Kapwa tumanggap sina Vence at Cachero ng halagang P30,000 at Globe Handyphone bawat isa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest