^

PSN Palaro

JVC Open Badminton: Magkapatid na Asuncion kampeon

-
Winalis ng magkapatid na Asuncion ang men’s at ladies crown na siyang tampok na event habang nakopo naman ng AB Leisure ang korona laban sa Philippine Star sa harap ng maraming manonood na dumagsa sa JVC Open Badminton cham-pion-ships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Bumangon si Kenevic Asuncion mula sa first set na kabiguan upang dominahin ang dalawang huling frames at wakasan ang pananalasa ni Lloyd Escoses, 15-17, 15-4, 15-7 at masungkit ang men’s crown.

Kung nahirapan si Kennevic, naging maaliwalas naman ang daan para kay Kennie Asuncion para mapanatili ang kanyang korona nang ilampaso nito si Irene Chiu, 11-3, 11-0 para sa kanyang ikaapat na titulo sa taunang event na ito na itinataguyod ng JVC. Ang magkapatid na Asuncion ay nagbulsa ng halagang P15,000 at JVC DVD cinema system at karagdagang Technomarine watches, Gosen rackets, Rudy Project shades at gift items mula sa Alaska, Colours, Bachus, Toby’s at Lactacyd para kay Kennie.

Sa kabilang dako, nagpakakatag ang AB Leisure sa kanilang laban sa Star sa kanilang makapigil-hiningang bakbakan para sa korona makaraang magwagi sa ladies at men’s doubles sa pamamagitan ng kapana-panabik na three setters.

Bumangon mula sa unang set na kabiguan sina Pauline Santiago at Elaine Lao para bawian ang Star tandem nina Analyn Delgado at Anna Filamor tungo sa 14-17, 15-12, 15-11 sa ladies doubles.

Pinigil din ng tamba-ang Ricky Morales at Albee Benitez ang mag-katambal na sina Miguel Belmonte at Chester Cordero, 15-10, 10-15, 15-7, upang magwagi sa men’s doubles at iselyo ang titulo.

Yumuko sa unang set 15-10, hindi nawalan ng pag-asa ang Star duo nang mula sa 8-4 pagkakabaon sa ikalawang set ay nagrally ito at maagaw ang trangko sa 10-8 tungo sa 15-10 panalo para itakda ang deciding third set na kinuha naman ng AB Leisure tungo sa pagkopo ng korona at premyong P30,000.

Sa juniors division, tinalo ni Karyn Velez si Raquel Guerrero, 11-9, 11-9.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

ANALYN DELGADO

ANNA FILAMOR

ASUNCION

BUMANGON

CHESTER CORDERO

ELAINE LAO

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

IRENE CHIU

KARYN VELEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with