^

PSN Palaro

JVC Open Badminton: FEU men's at ladies pasok sa finals

-
Inilaro ng Far Eastern U ang kanilang tunay na porma at ipadala ang dalawang teams sa finals ng men’s at ladies division sa collegiate category ng JVC Open Badminton Championships, makaraang gapiin ang Santo Tomas at Ateneo sa magkatulad na 2-1 panalo sa Glorietta Activity Center sa Makati City kahapon.

Nagpakatatag sa mahigpit na decider makaraang matalo sa first singles match, umusad patungo sa kam-peonato ang FEU men’s team nang umiskor si Jimson Dionisio ng walkover na panalo upang makuha ang 2-1 tagumpay para sa Morayta-based squad. Dinomina ng tambalang Mark Natividad at Christopher Flores ang parehas nina Arden Pantig at Ryan Conde, 15-9, 15-4 matapos yumuko si Wilmer Frias kay Reynaldo Selga ng UST, 13-15, 15-11, 15-6 sa unang singles match ng JVC-sponsored event.

Samantala, apat na championships ang paglalabanan ngayon kung saan makakaharap ni Lloyd Esco-ses ng FEU si Kennevic Asuncion para sa men’s singles crown at Kennie Asuncion kontra naman kay Irene Chiu sa ladies title. Nakatakda din ang finals sa juniors, veterans at corporate division.

Makakaharap ng FEU ang University of the East sa men’s crown na nagkaka-halaga ng P20,000 bukas matapos blangkuhin ng Warriors ang UP-Diliman shuttlers, 3-0 sa isang laban sa semis ng event na supor-tado din ng Technomarine, Colours, Alaska, Rudy Project, Accel, Ayala Center, The STAR, Tokyo Tokyo, Lactacyd, 103.5 K-lite, Pioneer Insurance, Gosen at Victorinox Original Swiss Army Knives.

Nagrally si Heidelberg Dimarucot mula sa unang set na kabiguan sa singles upang pigilan si Poppert Bernadas, 11-15, 15-4, 15-10, habang nagtulong naman sina RJ Cruz-Edison Cupcopin mula sa 13-15 kabiguan sa unang set para ma-sweep ang dalawang sumunod na set 15-11, 15-6, sa doubles. Hinatak naman ni Dodie Sertan ang 15-5, 15-5 panalo laban kay Marvin Cumbe sa isa pang singles match.

Hindi rin nagpadaig, tinalo ng FEU Lady Tama-raws ang Ateneo nang paluhurin ni Jovalyn Cabañero si Andre Go, 11-7, 11-2, habang tinalo ng doubles pair nina Criselda Sarabia at Mary Sebastian ang Go-Macy Sy tandem, 15-4, 15-3. Napigil naman ni Irene Chiu ang pambobokya ng FEU nang igupo nito si Julie Ann Hilador, 11-1, 11-1. Nakuha naman ng UST ang isa pang finals berth sa ladies class nang gapiin nila ang UP-Diliman, 2-1.

ANDRE GO

ARDEN PANTIG

ATENEO

AYALA CENTER

CHRISTOPHER FLORES

CRISELDA SARABIA

CRUZ-EDISON CUPCOPIN

DILIMAN

DODIE SERTAN

IRENE CHIU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with