^

PSN Palaro

Alituntunin sa pagpapahiram ng PBA cagers pag-uusapan

-
Nais ni PBA Commissioner Noli Eala na magkaroon ng malinaw na alintuntunin ukol sa pagpapahiram ng mga teams ng kani-kanilang players.

Nakatakdang imungkahi ni Eala sa Board meeting ng PBA sa Lunes ang pagkakaroon ng policy ukol sa bagay na ito.

Ito ay bunga ng pagpapahiram ng FedEx Express sa anim nilang players sa RP Team na kasalukuyang kumakampanya sa 13th Moonater Super Kung Sheung Cup International Basketball Invitational Championships sa Hong Kong.

Bagamat noong una’y walang abiso ang FedEx sa Commissioner’s Office sa kanilang planong ipahiram ang anim na players, walang maibigay na sanction si Eala ukol dito dahil wala itong mapagbasehan ng alituntunin.

"Although FedEx has failed to inform the Commissioner’s Office, there is no clear cut policy regarding this matter," ani Eala. " This is one of the things I would suggest to the Board in our meeting on Monday."

Ayon kay Eala, humingi naman ng despensa si FedEx team owner Bert Lina at ipinaliwanag nitong naipit lamang siya sa sitwasyon sa kanyang commitment sa pagtulong sa National team.

"Bert Lina called me up and explained his side," ani pa ni Eala. "We will have a little linneancy with FedEx about this matter."

Si Lina ang team manager na sumabak sa Hong Kong na kinabibilangan nina Jerry Codiñera, John Ferriols, Wynne Arboleda, Ren Ren Ritualo, Ryan Bernardo at Ranidel de Ocampo. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BERT LINA

CARMELA OCHOA

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

HONG KONG

JERRY CODI

JOHN FERRIOLS

MOONATER SUPER KUNG SHEUNG CUP INTERNATIONAL BASKETBALL INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS

REN REN RITUALO

RYAN BERNARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with