^

PSN Palaro

JVC Open Badminton Championships: AB Leisure vs The Philippine Star sa corporate division finals

-
Itinakda ng top seed AB Leisure at The Philippine Star ang kanilang titular showdown sa corporate division ng JVC Open Badminton Championship makaraang itala ang magkaibang panalo sa mag-kahiwalay na laban sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Dinomina ng AB Leisure ang Citibank sa lahat ng tatlong events 3-0 habang pinahirapan muna ng PLDT ang STARmen bago winalis din ang tatlong event para sa 3-0 tagumpay.

Sinimulan ng tambalang Elaine Lao at Pauline Santiago ang kampanya ng AB Leisure nang magaan nitong patumbahin sina Tricia Inoturan at Pia Manzano, 15-3, 15-1 sa ladies doubles bago sinundan ng 15-2, 15-5 tagumpay nina Albee Benitez at Ricky Morales kina Daniel Rupinta at Miguel Acosta para isiguro ang tagumpay sa team.

At upang ipaabot ang kanilang kahandaan, nagtulong sina Brandon Chua at Jen Morales para itala ang 15-6, 15-3 panalo kina Bubu Mangubat at Louie Bonson sa mixed doubles para ma-sweep ang laban.

Dinuplika ng Phil. Star ang tagumpay na ito, ngunit pinakaba muna sila lalo sa men’s doubles sa pagitan ng tambalan nina STAR president at CEO Miguel Belmonte at Chester Cordero na bumangon mula sa 9-14 pagkakaiwan upang maagaw ang 17-15 makapigil-hiningang panalo sa unang set bago sinundan ito ng magaan na 15-1 pananalasa sa second round laban kina Boy Mirasol at Arnold Portugal, na pinanood ng mismong may-ari ng PLDT na si Manny Pangilinan.

Ang kapana-panabik na tagumpay na ito ay kasunod ng makapigil-hininga ding bakbakan sa pagitan ng ladies tandem nina Analyn Delgado at Ana Filamor kontra sa tambalan ng PLDT na sina Reynalita Cano at Rosalia Cautivo, 15-7, 17-14. Tinapos nina Isa Belmonte at Doddie Gutierrez ang tagumpay ng Star nang igupo nila ang tambalang Vangie de Leon at Wilfredo Daza sa isang come-from-behind 11-15, 15-6, 15-12 iskor.

Nakatakdang magharap ang AB Leisure at The Philippine Star para sa korona at pangunahing premyo na P30,000 sa Sabado simula alas-10 ng umaga kasunod ang title duel din sa juniors, elite at veterans division ng taunang event na ito na itinataguyod ng JVC at suportado din ng Technomarine, Colours, Alaska, Rudy Project, Accel, Ayala Center, The STAR, Tokyo Tokyo, Lactacyd, 103.5 K-lite, Pioneer Insu-rance, Gosen at Victorinox Orginal Swiss Army Knives.

Ang collegiate finals naman ay gaganapin sa Linggo tampok ang exhibition match sa pagitan ng ilang personalidad at laban ng Philippines at Indonesia.

ALBEE BENITEZ

ANA FILAMOR

ANALYN DELGADO

ARNOLD PORTUGAL

AYALA CENTER

BOY MIRASOL

BRANDON CHUA

BUBU MANGUBAT

CHESTER CORDERO

PHILIPPINE STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with