^

PSN Palaro

Nakaisa na si Dindo

FREE THROWS - AC Zaldivar -
HINDI naman pala magtatagal ang paghihintay ni Dindo Pumaren para sa kanyang kauna-unahang panalo bilang coach sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Dumating ito noong Sabado nang talunin ng UE Warriors ang UP Fighting Maroons, 63-56 sa Cuneta Astrodome. Oo’t maituturing na lightweight ang Fighting Maroons pero okay na rin para kay Pumaren at sa Warriors iyon. Kahit paano’y hindi na sila bokya ngayon.

Kasi nga’y masama ang naging simula ng UE Warriors da-hil sa dinurog sila ng nagtatanggol na kampeong Far Eastern University Tamaraws, 89-61 noong opening day ng 67th UAAP.

Sa tutoo lang, hindi naman ganoon kataas ang pangarap ng UE Warriors sa taong ito. Maituturing itong isang rebuilding stage para sa kanila. Biruin mong pito ang rookies at lima ang sophomores sa line-up ni Pumaren na isang rookie coach din.

Aba’y kumpara sa ibang koponang kalahok sa UAAP, talagang mahihirapan ang UE. Bukod sa FEU ay itinuturing ding malakas ang Ateneo Blue Eagles na mayroong 2-0 record, ang La Salle Green Archers at ang Adamson Falcons.

Ang Blue Eagles ay nakarating sa Finals ng huling dalawang UAAP seasons. Nagkampeon sila noong 2002 sa ilalim ni Joel Banal. Ang Green Archers, na hawak naman ni coach Franz Pumaren ay nagkampeon mula noong 1998 hanggang 2001. Ang Falcons, na hawak naman ni Luigi Trillo, ay isa sa mga koponang mayroong intact na line-up.

Kung noong nasa poder pa ng Warriors sina Paul Artadi at James Yap, na kapwa naglalaro na sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa PBA, ay hindi nagkampeon ang UE, ngayon pa kaya na pawang mga bagito ang aasahan ni Dindo?

Marahil, nang kunin ng UE si Dindo bilang kapalit ni David Zamar ay aminado ang pamunuan ng Warriors na mahihirapan silang mamayagpag. Aminado nilang rebuilding ang kanilang gagawin at hindi puwedeng maging mataas ang kanilang pangarap sa taong ito. Pumayag sila na magsimulang tulad ni Dindo.

Kaya naman kahit paano’y hindi ganoon kabigat ang pressure sa balikat ng pinakabata sa mga coaching Pumarens. Relaxed si Dindo at dahil dito ay buong-buo ang kanyang focus sa laro. Ang kanyang misyon ay dalhin kung saan kalayo puwedeng dalhin ang kanyang koponan. Kung sakaling hindi sila makarating sa Final Four, okay lang iyon.

Pero kung sakaling palarin ang Warriors at makaabot sa Final Four, aba’y malaking achievement na iyon para sa manlalarong dating tinawag na "The Bullet".

Marami din ang nanghinayang kay Dindo nang magretiro siya sa paglalaro dalawang taon na ang nakalilipas. Puwede pa naman kasi siya, e. Pero buo na ang kanyang pasiya noon at matapos na hindi pinapirma ng FedEx ay itinuon na lang niya ang pangarap sa pagko-coach. Katunayan ay nagtungo pa nga siya sa Estados Unidos para dumalo sa camps ng ilang NBA teams at paghandaan ang kanyang bagong propesyon.

Kaya naman kahit bagito siya sa UAAP, puwede na rin siyang katakutan.

ADAMSON FALCONS

ANG BLUE EAGLES

ANG FALCONS

ANG GREEN ARCHERS

ATENEO BLUE EAGLES

CUNETA ASTRODOME

DINDO

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with