^

PSN Palaro

Tamaraws pinana ng Archers

-
Sumandal ang De La Salle U sa pagkawala ng na-foul-out na si Arwind Santos upang silatin ang Far Eastern University, 69-54, kahapon sa 67th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Humugot ng ikalimang foul si Santos nang pigilan niya si Ryan Arana sa pag-iskor may 6:24 pa ang nalalabi na nagbigay daan sa Green Archers na palawigin ang 54-40 bentahe sa 60-51.

Ang panalo ng Green Archers ay nagbigay sa kanila ng pakikisosyo sa Tamaraws sa ikalawang posisyon.

Samantala, nagpamalas ng impresibong laro ang Adamson University nang igupo ang National University, 69-53, para sa kanilang ikalawang panalo.

Maagang nagparamdam ng supremidad ang Falcons nang sa kaagahan ng first half ay agad lumayo ito sa 38-21 half-time scores na tinampukan ng triples ni Patrick Tiongco.

Gayunpaman hindi basta sumuko ang Bulldogs nang nakuha pa nilang maibaba ang bentahe ng San Marcelino-based dribblers sa 32-44 nang umiskor ng basket si rookie Edwin Asoro, may 3:14 sa third period.

Sa juniors division, kumamada ng pinagsa-mang 51 puntos sina Julius Porlaje at Paul Zamar upang tulungan ang UE Pages na igupo ang NU Bullpups, 84-68, para sa unang panalo sa tatlong asignatura.

ADAMSON UNIVERSITY

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

DE LA SALLE U

EDWIN ASORO

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

JULIUS PORLAJE

NATIONAL UNIVERSITY

PATRICK TIONGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with