^

PSN Palaro

JVC Open Badminton: AB Leisure,7 pangunahing kompanya sa quarterfinals

-
Walong pangunahing kompanya sa bansa na nakaligtas sa mainit na bakbakan sa eliminations, ang maglalaban-laban naman para sa semifinals berth ng mayamang JVC Open Badminton Cham-pionships sa panimula ng quarterfinals ngayon sa Glorietta Activity Center Makati City.

Nagparamdam na ang AB Leisure ng mainit nilang kampanya sa pagpapanatili sa titulo nang igupo nila ang Prudential Life, 2-1 sa round of 16 kahapon upang ang-kinin ang unang slot sa quar-terfinal round ng corporate division, na may nakalaang kabuang P70,000 pa-prem-yo na ang magwawagi ay mag-uuwi ng halagang P30,000. Habang sinusulat ang balitang ito kasalukuyang nakikipagpukpukan ang pito pang kompanya--RCBC, Asian Development Bank, Citibank, PLDT, Meralco, JG Summit, Philippine STAR, Ford Phils., Chowking, Jollibee, HSBC, Shell Exploration, ABS-CBN at Pilipinas Shell.

Ang aksiyon sa quarterfinal round ng corporate division ay magsisimula sa alas-11 ng umaga na ang opening ceremonies ng P1M event na ito, na itinataguyod ng electronics giant JVC, ay magsisimula sa alas-2 ng hapon kung saan mismong si Toshinori Yokokawa, presi-dent ng JVC Phils., ang mag-dedeklara ng pagbubukas na torneo.

Bukod sa corporate division, ang iba pang kategorya na nilalaro ay ang elite, juniors (16-under), veterans, celebrities at school team competitions.

vuukle comment

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BUKOD

CITIBANK

FORD PHILS

GLORIETTA ACTIVITY CENTER MAKATI CITY

OPEN BADMINTON CHAM

PILIPINAS SHELL

PRUDENTIAL LIFE

SHELL EXPLORATION

TOSHINORI YOKOKAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with