UAAP Basketball Tournament: Maroons taob sa Warriors

Sumandal sa mga beterano ang rookie-laden University of the East upang ipalasap sa kanilang rookie coach na si Dindo Pumaren ang unang panalo makaraang igupo ang University of the Philippines, 63-56 sa pagpapatuloy ng UAAP seniors basketball tournament sa Cuneta Astrodome.

Umasa sa mahusay na serbisyo ng mga beteranong sina Paulo Hubalde at KG Canaleta ang Warriors sa krusiyal na sandali na siyang sinandigan upang malusutan ang mainit na paghahabol ng Fighting Maroons sa final quarter.

Mula sa 51-40 kalamangan ng UE Warriors kung saan umiskor si Hubalde ng 9 na puntos sa kanyang kabuuang 25, nagtangkang maghabol ang Maroons ng mag-baba ito ng 13-6 bomba na tinampukan ng undergoal stab ni Toti Almeda para ilapit ang iskor sa 53-57, may 4:03 pa ang nalalabing oras.

Sa ikalawang seniors game, pinayuko ng Ateneo de Manila University ang University of Santo Tomas, 81-70.

Sa juniors division, tumipa si JM Aranas ng 20 puntos upang tulungan ang UP Integrated School na makopo ang 72-66 pambuena-manong pa-nalo laban sa defending champion Ateneo Blue Eaglets, na bumagsak naman sa 1-1 kartada.

Samantala, magpapatuloy ang askiyon ngayon sa Araneta sa pagha-harap ng DLSU at FEU, at National U at Adamson.

Show comments