Ang kaso, na anim na taon na , ay nag-ugat noong idepensa niya ang kanyang titulo noong 1997 sa Koronadal, North Cotabato, makaraang pabagsakin ang Argentinian challenger na si Carlos Rios matapos ang anim na round, ngunit kahit isang kusing ay walang nakulekta sa kanyang premyo.
Kabilang sa mga idinemanda ay si dating provinical governor Larry de Pedro, promoter Rod Nazario at matchmaker Lito Mondejar.
Dahil sa insidente, napuwersa si Espinosa na umalis ng Pilipinas at makipag-ayos kay American promoter Dan Goosen kung saan ginamit niya itong stepping stone kontra sa mga preferred boxers ng promoter.
Sa kasalukuyan, ang 37 anyos na si Espinosa, isa sa pinakamahusay na Pinoy world champion, ay napapalaban na lamang sa mga bata at upcoming fighters na nagnanais pagandahin ang kanilang rekord kung saan isinasama nila sa listahan ng kanilang biktima ang Pinoy.
Kamakailan lamang sa Reno, Nevada, tinalo si Espinosa ni Carlos Navarro via 7th round TKO kung saan ibinulsa ng Pinoy ang halagang $4,000.00 sa kabiguang ito.
Ngunit ang lahat ng kanyang laban ay kanyang ginagawa para masuportahan ang kanyang pamilya.
Umaasa ang kanyang discoverer at mentor na si Hermie Rivera na magiging mabilis ang resolution sa kaso upang makapagretiro na si Espinosa at maiwa-san ang seryosong physical damage sa kanyang sarili.
Sinabi ni Espinosa na kapag nakolekta na niya ang premyo, plano nitong magtayo ng sariling boxing gym at magsanay ng mga batang nangangarap na maging world boxers sa hinaharap.