^

PSN Palaro

80th NCAA Basketball Season: Cardinals dinungisan ng Altas

-
Imbes na panghinaan sa pagkawala ni coach Bay Cristobal, higit na naging matikas ang University of Perpetual Help Dalta System upang igupo ang Mapua Institute of Technology, 98-88 at okupahan ang pangkalahatang pamumuno sa 80th NCAA basketball tournament eliminations na nagpatuloy sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Higit na nagbigay ng lakas sa UPHDS Altas ang pagkakasuspindi kay Cristobal, sa pangunguna nina Dominador Javier, Marcel Cuenco at Vladymir Joe para sa ikaapat na sunod na panalo sa ikalimang pakikipaglaban para agawin ang pangkalahatang pamumuno sa MIT Cardinals.

Pinatawan ng one-game suspension si Cristobal gayundin ang kan-yang assistant na si Art Narvasa dahil sa kanilang ‘unsportmanlike behavior’ sa kanilang nakaraang double overtime win, 75-70 kontra sa San Beda College noong Lunes.

Sa naturang laro, pinapasok na ni Cristobal sa dug-out ang mga players nito matapos pumasok ang triple ni Javier sa pagtatapos ng unang over-time. Nagwala ito at sinigawan ang mga game-officials nang hindi i-count ng mga referees ang game-winning basket sanhi ng ikalawang overtime.

Nanguna si Javier sa pagkamada ng 31-puntos kasunod sina Joe at Cuenco na may tig-20 puntos para sa Altas na nagpalasap ng kauna-unahang pagkatalo sa Mapua na bumagsak sa ikalawang puwesto ka-tabla ang walang larong defending champion Colegio de San Juan de Letran sa 3-1 panalo-talo.

Naipaghiganti ng Altas ang pagkatalo ng kanilang junior counterparts na Altallettes na lumasap ng 42-44 kabiguan kontra sa MIT Red Robins sa unang laro.

Sa ikalawang seniors game, pinayuko ng PCU Dolphins ang JRU Heavy Bombers 72-64. 1. (Ulat ni CVOchoa)

ALTAS

ART NARVASA

BAY CRISTOBAL

CRISTOBAL

DOMINADOR JAVIER

HEAVY BOMBERS

JAVIER

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARCEL CUENCO

RED ROBINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with