Parehong ikaapat na sunod na panalo ang tangka ng MIT Cardinals at UPHDS Altas sa kanilang alas-2:00 ng hapong sagupaan na susundan naman ng engkwentro ng Jose Rizal University at Philippine Christian University sa dakong alas-4:00 sa ikalawang seniors game.
Ang Mapua na lamang ang natitirang seniors team na walang talo sa kanilang malinis na 3-0 win-loss slate ngunit di naman nalalayo ang host school na Perpetual na mayroon nang tatlong sunod na panalo sa ikalawang puwesto katabla ang pahinga ngayong defending champion Colegio de San Juan de Letran sa 3-1 kartada.
"We are now working as a team at unti-unti nang nalalaman ng mga players ko ang role nila sa team," wika ni coach Horacio Lim ng Mapua na desididong panatilihing malinis ang kanilang katayuan.
Matapos mabigo sa kanilang debut game, nanalasa ang Altas na hangad ang ikaapat na sunod na panalo para maagaw ang pangkala-hatang pamumuno sa Cardinals.
Huling biktima ng Perpetual ang San Beda (2-3) kamakalawa sa isang double overtime game, 75-70 kung saan nagpamalas ng agresibo at intensibong laro ang mga bata ni Altas coach Bay Cristobal. (Kung ganitong panalo ang laro namin, maraming mahihirapan sa amin).
Tangka naman ng JRU Heavy Bombers na makaahon sa tatlong sunod na kabiguan para maiangat ang 1-3 kartada laban sa PCU Dolphins na may 2-2 record katabla ang SSC Stags na pahi-nga ngayon.
Sa juniors division, maghaharap ang Altallettes at Red Robins sa pang-umagang aksiyon sa alas-11:30 habang sa ikaapat at huling laro, maghaharap ang Light Bombers at Baby Dolphins. (Ulat ni CVOCHOA)