Ang batang kampeon na coach na si Siot Tanquingcen ang coach ng South All-Star habang si Yeng Guiao naman ang sa North.
Sa nakalipas na All-Star Games laging sa Maynila ito ginagawa at ngayon nga ay sa Cebu na para mabigyan naman ng kakaibang ambiance ang PBA at mailapit ang PBA sa probinsiya.
So good-luck na lang at sana ang magtuloy-tuloy ang tagumpay ng PBA na kanilang nalasap sa PBA Fiesta Cup finals.
O di ba suwerte, makakabiyahe ng libre at maka-kapasyal sa Amerika ang mga bata.
At least isang malaking konsuwelo sa lahat ng kanilang effort ang maging kinatawan ng bansa. At higit sa lahat isang malaking karangalan.
So keep up the good work and may you bring home the bacon.
Abala ang boxing team natin sa training at international exposures nila sa ibat ibang bansa, gayundin ang RP taekwondo team na puspusan ang pagsasanay sa bayan ng taekwondo sa Korea.
Habang ang ating mga swimmers naman na mga Fil-Ams ay nasa Amerika at doon din nagsasanay. Hindi rin pahuhuli ang tracksters natin.
Sana naman may magandang kapalarang naghihintay sa kanila sa Athens. At higit sa lahat sanay makasungkit na tayo ng mailap na gintong medalya sa Olympics.
Wala lang papasok na pulitika.